Sadikhov.com - MCSE Training | IT FORUM | DOWNLOADS | LIVE LINKS | TOP SITES | FAQ | CONTACTS
MCSE Training | Computer Hardware | Computer Software | Computer Programming | Database Software | Network Management | Network Security | File Exchange File Share
 
Mga Tanong na Malimit Itinatanong, Mga Batayan at Alituntunin para sa Sadikhov.com (Huling Pagbabago: 25 Pebrero 2006) Isinalin ni Rey
* Panimula
* Talastasan
* Sistemang Pang-Babala
* Samahang Pang-Alalay
* Advertising
* Mga Ambag
* Mga Tanong na Malimit Itinatanong (MTMI)
* Mga Daglat na Ginamit
 
Panimula

Salamat sa inyong pagbisita sa Tanungang Bahagi ng ating website. Marami kaming natatanggap na mga email at kahilingan tungkol sa operasyon ng Sadikhov.com website. Aming pinagpasiyahan na ilagay ang lahat ng impormasyong ito sa isang pahina upang madali makita ang sagot sa mga karaniwang katanungan malimit na itanong. Sa inyong iba pang mga katanungan, huwag mag-atubiling ipadala sa amin. Subalit, sa dagsang tanong na aming natatanggap, ang mga tanong na amin nang nasagot ay di na namin pagtutuunan ng pansin. Ang pahinang ito ay patuloy na isusunod sa panahon habang patuloy din naming natatanggap ang iyong mga katanungan at iba pang alalahanin. Ang mga impormasyong makikita sa pahinang ito ay nasa wikang Ingles at susundin ang mga patakaran mula sa pagkakalathala nito. Higit na pananagutan ng mambabasa ang anumang kanyang nabasa sa pahinang ito. At walang pananagutan ang Sadikhov.com sa anumang pagkakaunawa ng mambabasa sa mga nilalaman ng pahina o anumang kahirapan sa wikang Ingles.

Kung ikaw ay napabisita sa site na ito upang mag- download , hindi para sa iyo ang website na ito. Napakaraming websites sa internet na maaari mag- download . Hindi isa sa kanila ang Sadikhov.com. Ang website na ito ay nilikha upang pagsamahin ang mga samahan ng IT sa buong mundo at matulungan silang maibahagi ang kani-kanilang mga kaalaman at karanasan, pag-usapan ang mga usaping teknikal at matuto sa bawat isa. Ang website na ito ay walang bayad at patuloy na libre, kung hindi ito ay mawawala. Karamihan sa mga bisita ng website ay may makaranasang IT Professionals na malugod na sasagot sa inyong mga katanungan. Gamitin sana natin ang kanilang kaalaman at karanasan ng mabuti. Para sa ganitong pakikipagtalastasan, aming nilikha ang IT Forum.

Upang mapangalagaan at para sa kadahilanang pang seguridad, itatala ng Sadikhov. com ang inyong mga impormasyon katulad ng IP Address , oras ng inyong pagbisita at OS version . (Ang mga impormasyong ito ay ibinibigay ng inyong browser (tagahanap) sa tuwing bibisitahin ninyo ang aming website . Kung mayroon kayong mapapansing kakulangan sa Sadikhov.com website, huwag pong mag-atubiling ipagbigay alam sa amin ang mga detalye. Subalit di namin hahayaan ang mga gawaing naghahanap lamang ng mga kakulangan. Maaari naming putulin nang tuluyan ang inyong koneksiyon sa aming website sa pamamagitan ng pagbabawal at di pagbibigay pahintulot na makapasok ang inyong IP address at tanggalin ang inyong account . Anumang anyo ng pagnunubok ay ipinagbabawal. Ang mga kakulangan at kamalian ay di na rin kinakailangan ipangalat o ipahayag, maaari lamang na ipagbigay-alam sa inyong mga tagapamagitan (Forum Moderator) o sa Tagapamahala ng aming site .

May karapatang higpitan ng Sadikhov.com ang inyong pagbisita sa website nang walang anumang pahintulot o babala kung kayo ay nakagawa ng anumang makasasama sa Sadikhov.com sa anuman sa mga sumusunod na paraan—
1. Pagsubok na alamin ang mga maaaring butas ng seguridad ng Sadikhov.com kasama na rin at hindi lamang sa pangongopya, pagsalakay sa DoS, ilegal na pagdidiskubre ng password , mapanghinalang pangungupit ng impormasyon o paggawa ng di naangkop na panggugulo.
2. Ang pagbebenta o pagpapakilala ng anumang websites sa Sadikhov.com ng walang pahintulot ng may-ari.
3. Ang paggamit ng di kanais-nais na pananalita, pagbubunsod o sinasadyang pananakit sa mga kasapi ng Sadikhov.com at iba pang bisita ng website .
4. Pagpapaskil ng pang-aabuso o di-kanais-nais na nilalaman katulad ng kalaswaan, karahasan, galit, pananakot, panglalait at iba pang paraan ng di disenteng gawain.

 
Forum (Talastasan)

Mga simpleng alituntunin na kailangang sundin upang maiwasan ang mga di pagkakaunawaan sa mga tagapamagitan (moderators) at namamahala.
•  Ipaskil ang inyong mga mensahe sa tamang forum . Ilagay ang inyong mensahe sa pagkahalatang bahagi kung walang naaakmang forum .
•  Panatilihing akma ang mga sagot sa mga paksang itinatanong kung sasagot sa isang mensaheng nakapaskil. O, magbukas ng panibagong paksa.
•  Iwasang mapuno ang forum . Paisa-isa lamang na ipaskil ang inyong mensahe. Di kinakailangan ang magbukas ng panibagong paksa na may katulad na nilalaman. Magkatulad na alintuntunin ang ilalapat sa mga kasagutan.
•  Iwasan ang magpaskil ng walang-katuturang mensahe. Mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: “Salamat”, “Tama ‘yan”, “Ayon ako”, “Di ko alam”, “binabati kita”, atbpa. Maging masusi sa pagtutukoy ng inyong mga iniisip at ibinabahaging kaalaman, kuru-kuro o palagay at karanasan.
•  Iwasan ang magpadala ng mga mensahe sa Samahang Pang-Alalay (Support Team) tungkol sa pag download , o magpapadala ng kung anu-ano… Ang website ay hindi isang pizzahan at hindi kami mga punong guro na magtuturo kung paano magbasa at unawain ang Mga Tanong na Malimit Itanong (MTMI-FAQ). Sa ganitong mga kahilingan, maaari lamang na bisitahin ang Tulong sa mga Kahilingan, Pagbabahagi at Pagpapalitan . Ipaskil sa forum lamang na ito ang inyong anumang nasa isipan, mga tulong at iba pang kahilingan. Ang mga kahilingang para sa ibang forum ay tatanggalin ng mga tagapamagitan
•  Ang inyong mga kuru-kuro, mga mungkahi at katanungan tungkol sa pamamalakad ng Sadikhov.com ay maaaring ipadala sa “Mga Mungkahi para sa Sadikhov.com” forum.
•  Ang mga kasaping nagnanais na makipag-usap sa ibang wika liban sa Ingles ay maaaring bumisita sa International Forum . Ang mga kasagutan ay manggagaling lamang sa mga taong nakauunawa ng nasabing wika. Hindi pinahihintulutan ang mga paskil na hindi-sa-wikang Ingles sa anumang bahagi nito.
•  Igalang ang palagay at kuru-kuro ng iba kahit di kayo sang-ayon. Iwasan ang mang-insulto ng kasapi ng forum . Maging mabuti. Sakaling nainsulto ng kahit sinong kasapi ng forum , ipagbigay alam ito sa mga tagapamagitan upang maitama ang paskil o maipagbigay-alam ito sa tagapamahala para sa kinauukulang aksiyon.
•  Pumili ng natatamang palayaw at disenteng avatars kung maglalagay. Ang inyong account ay maaaring matanggal sakaling ito ay makalilito sa iba, naglalaman ng mga di-kagandahang pananalita o di kaaya-aya sa iba.
•  Pumili ng natatamang titulo sa inyong nilikhang thread . Ang titulo ang magsasabi ng pagkakaugnay nito sa forum , magiging malinaw sa ibang kasapi, at malalamang madali ang mga paksa bago nila ito buksan. Iwasan ang magkamali sa titulo. Tingnan sa diksyunaryo ang tamang pagkakabaybay ng salita.
•  Ang mga patalastas o mga ugnay sa ibang websites ay di pinahihintulutan maliban kung may pahintulot ng Tagapamahala.
•  Ang mga aktibong ugnay sa panlabas na websites ay hindi pinahihintulutan maliban doon sa mga pag-aari at pinamamahalaan ng Sadikhov.com.
•  Ang mga babasahin o balitang galing sa ibang websites ay di na kailangang ipaskil, magbigay na lamang ng ugnay sa nasabing lathalain kalakip ang inyong palagay. Ang It Certification News Forum ay di saklaw nito.
•  Ang pagbibigay ng ugnay sa warez , cracks at mga virus at anupamang di legal at mapanganib na software ay mahigpit na ipinagbabawal sa Sadikhov.com

Muli, maaaring tanggalin ng mga tagapamagitan ang anumang nakapaskil na sumisira sa mga nasabing alituntunin. Sa inyong, pagmamatigas, maaaring kayo ay pagbawalan sa pagbisita sa forum . Bago ipaskil ang inyong katanungan, maaari sanang hanapin muna ang forum na makapagbibigay ng sagot sa paksang maaari napag-usapan na.

Hindi binibilang ng ibang forum ang ilan sa inyong mga ipinaskil. Habang sa ito'y sinusulat, ang mga ito ay ang mga sumusunod:

•  Mga kuru-kuro tungkol sa Sadikhov.com
•  Mga Kahilingan para sa Gabay sa Pag-aaral, ang ibinahagi at pakikipagpalitan sa ibang maliit na forum .
•  Mga balita tungkol sa Katibayang pang-IT sa ilalim ng Pangkalahatang IT
•  Wala-sa-Paksa at lahat ng iba pa nitong maliit na forum .

Hwag magtaka kung hindi nagbabago ang bilang ng inyo mga ipinaskil sa kabila ng dami ng iyong mga ipinaskil sa mga forum .

* Gawaran ng Paskil ng Buwan
Ang paggawad na ito ay nilikha bilang pagkilala sa mga paskil na may pinakamagandang nilalaman tulad ng kakaibang kaalaman, pangsalarawan, o pangturo. Para sa mga detalye, sundan lamang ang thread sa forum ukol sa Paskil ng Buwan.

* Mga Titulo
Sa paglaki ng inyong mga paskil, ang mga sumusunod ang mga titulo at ranggo:
Baguhan – 0 Paskil, 1 Pip
Kasapi – 50 Paskil, 2 Pips
Nakaaangat na Kasapi – 150 Paskil, 3 Pips
Big Time na Kasapi – 500 na Paskil, 4 Pips
VIP Kasapi – 1000 Paskil, 5 Pips
Ang mga Kasaping Pandangal, tagapamahal at VIPs ay maaaring may kanya kanyang titulo.
back to top
 
Sistemang Pang-Babala

Ang Sistemang Pang-Babala (Warning System) ay isa sa mga tampok ng mga kalupon ng mga tagapamagitan upang masubaybayan ang mga mapanganib, masasama at nanggulong nagpapaskil. Ang scale ay mula sa 0 hanggang 3, na 0 ang pinakasimula ( default ). Walang tiyak na alituntunin para sa dahilan o anumang babala sa paggagawad ng kaparusahan sapagkat gagamitin ng mga tagapamagitan ang sistemang pang-babala ayon sa kanilang pakiramdam. Kung ganito, at nararamdaman ninyong kayo ay sinusupil ng walang pasubali, makipag-usap lamang sa Tagapamahala tungkol sa inyong reklamo upang ito ay muling mapag-aralan. Kinakailangang ipakita o ipahayag ng tagapamagitan ang dahilan sa pagbibigay ng babala o pagbawas. Ang mga kasaping nagpapaskil ayon sa alituntunin ng MTMI (FAQ) ay walang alalahanin. Maaaring makita ng mga kasapi ang katayuan o lagay ng babala at mga kadahilanan sa inyong Statisfics Profiles.

back to top

 
Samahang Pang-Alalay
* Tagapamahala ng Website
Ako yun! FS, maikli kong ipakikilala ag aking sarili sa talatang ito. Sa site na ito, tatawagin ako bilang Tagapamahala . Ako ang maylikha ng mga websites na Sadikhov.com, Sadikhov.net at Sadikhov.org. Pinamamahalaan ko ang mga sites pati na rin ang forum . Hindi madali ang pagpapanatili ng website . Salamat sa aming mga kasaping nagbibigay ng kanilang kaalaman at suporta. Hindi lang Sadikhov.com ang aking ginagawa. Namamasukan din ako sa isang kompanya katulad ng ilan sa inyo araw-araw. Nahaharap ko lamang ang website tuwing Sabado at Linggo (or Huwebes at Biernes) at siempre kung ako ay nakabakasyon. Kaunti lamang ang aking panahon, kaya huwag sana umasa sa aking mabilis na pagsagot sa inyo. Sa kabila nito, binibisita ko naman ang forum araw-araw, at binabasa ang mga bago ninyong ipinapaskil, ngunit sa dami ng mga paskil, di ko nababasa ang lahat kung kaya mayroon akong tagapamagitan . Hindi ako taga bansang Ingles ang salita at ni hindi ako nakatira sa ganitong bansa, kung kaya sana maunawaan ninyo ako sa mga mali kong paggamit sa wikang Ingles at sa mga salita nito. Nauunawaan ko ng buong puso ang salitang Ingles at Russian, at konti naman sa Turkish at German. Maaari ninyo akong sulatan o magPM sa mga wikang nasabi subalit asahan ninyong nasa wikang Ingles ang aking kasagutan. Hwag kayong mag-atubiling sulatan ako maliban lamang sa mga sumusunod na isyu:
  1. Mga nabigyan na ng kasagutan sa pahinang ito. Inabot ako ng limang minuto sa pagsusulat ng pahinang ito para sa inyo, kaya inaasahan kong pagkakalooban din ninyo ng limang minuto ang aking pinaghirapan at basahin ang pahinang ito. Hindi ko gusto ang mga taong di nagbabasa ng mga alituntunin at hindi ko naman ito uulitin ng makailang beses.
  2. Pagpapadala ng files: Hindi ako magpapadala ng files kahit na kayo ay babagsak sa inyong pagsusulit sa di ko pagpapadala. Planuhin ang inyong pagsusulit. Kung talagang kailangan ninyo ang files , marami kayong pagpipilian upang makuha ito. Maaaring gamitin ang Google, magPM sa kasapi ng forum na makatutulong, bumili ng aklat mula sa opisyal na website o ipagpaliban ang pagsusulit para sa mas magandang araw.
  3. Tulungan kayo sa pagpapatala sa forum . Kung kayo ay isang propesyunal o nais pa lang na maging IT, kailangan lamang ninyo ng isang simpleng pang-unawa upang magparehistro sa forum . Ako man, ay kaiiangan pa ring tuklasin ang lahat ng mga nilalaman ng forum .

Ang mga magkakaparehong mensahe ay isinasawalang bahala at binubura ko lamang upang di-masayang ang aking panahon. Ang pinakamagandang paraan upang ako ay makausap ay sa pamamagitan ng PM . Kung gagawin ito, maaari lamang na ilista na ang mga detalye ng inyong suliranin: ang inyong userid at password . Kung kinakailangan, oras kung kailan ito nangyari, ano ang inyong ginawa, ang eksaktong mensaheng inyong nabasa, atbpa. Hindi ako magtutuloy sa pagtatanong sakaling kulang ang mga detalye sa problema. Bago ninyo sabihin ang isyu, siguruhing nasubukan na ninyo itong gawan ng paraan. Alalahanin lamang na hindi dapat maapektuhan ang website ng Sadikhov.com sa inyong pagsubok. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakayang hawakan ang inyong mga kahilingan, bigyan lamang sana ninyo ako ng tatlo o apat na araw upang sagutin ang inyong katanungan.

* Mga Tagapamagitan

Maraming magagaling na kasapi ang ating samahan na tumutulong sa pagpapatakbo ng ating forum at sa pagpapapanatili nitong malinis at malawak. Sila ang tagapamagitan . Ang mga tagapamagitan ang tumitingin sa inyong mga paskil sa forum . Sila ay may karapatang palitan, alisin, isara at isaayos ang mga paskil. Sila ay matatalino at alam ang halos lahat tungkol sa Sadikhov.com. Maaari nila kayong matulungan sa maraming paraan. Makipag-ugnayan sa kanila sa forum upang mabigyang-tugon ang inyong problema. Ang mga tagapamagitan ay may malawak na saklaw kung kaya, makapamamagitan sila sa anumang forum na naririto. Kung may makikitang paskil na nangangailangan ng pansin ng isang tagapamagitan, huwag mag-atubiling pindutin ang buton ng “ Iulat ” na nasa gawing kanang-itaas na kanto ng paskil at makararating ang mensahe sa kinauukulang tagapamagitan upang ito ay balikan.

* Maaari kayong bigyan-babala ng mga tagapamagitan kung sa tingin nila ay nalalabag ang mga alituntunin. Paki-balikan ang mga talatang ukol sa mga babala para sa detalye. Maaari nilang tanggalin at palitan ang mga paskil sa inyong kahilingan. Sakaling mayroon kayong isyu sa isang tagapamagitan at inaakalang inaabuso ang kanyang kapangyarihan, huwag mag-atubiling ipag-alam lamang ito sa tagapamahala sa madaling panahon. Iwasan ang makipag-argumento kahit ito ang pinaka maaaring mangyari.

Di karamihan ang karapatan ang mga kasaping pandangal kung ihahambing sa mga tagapamagitan, subalit nakaaangat naman sa mga regular na kasapi. Ang kanilang kuru-kuro at palagay ay kasing lakas ng sa mga tagapamagitan. Ang mga kasaping pandangal ay may pinagkakatiwalaang kasapi at nakamit ang ganitong katayuan dahil sa kanilang ipinakitang kapita-pitagang pagkatao at sipag sa trabaho sa Sadikhov.com. Alam nila ang mga alituntunin, ang mga patakaran at namamagitan din ng mga ilang oras. Maaari silang magrekomenda ng ibang kasapi upang maging Kasaping Pandangal o Tagapamagitan. Sa mga nagnanais na maging kasapi sa samahang ito, kinakailangan lamang na magustuhan kayo at maaaring mapagkatiwalaan.

 
Advertising

Hindi pinahihintulutan ang anumang pagbebenta o pagpapalaganap ng sinuman sa forum . Ang lahat ng mga ganitong kahilingan ay maaari lamang na ipadala sa tagapamahala ng website para sa kanyang pahintulot. Maaaring makansela ang inyong account o di kaya'y di na kayo makabibisita sa hinaharap sa di pagsunod sa alituntuning ito. Sa kasalukuyan, mayroon ding mga nakahandang pakete para sa ganitong pangangailangan. Mas maraming detalye tungkol dito ang inyong mababasa sa Mga Patalastas sa Sadikhov.com


* Pagpapaskil ng mga Kaugnay sa Forum
Hindi nararapat na gawing lugar ng patalastas ang forum . Ito ay hindi pinapayagang mangyari. Ang mga karaniwang kaugnay ng mga softwares at iba pang mga magagamit na materyal ay maaring ipaskil, subalit di dapat na makasasama sa mga gagamit kung kaugnay nito ang mismong software . Kung ang ugnayang ito ang magtuturo sa mapanganib na software, ang ugnay na ito ay tatanggalin din. Marami sa inyong mga ugnay ang aalisin sa forum sa hindi ninyo pagsunod sa mga alituntunin at huwag sana ninyong ipaskil ang mga hindi-kinakakailangan sa pakikipagtalastasan hangga't maaari. Di kabilang dito ang: Mga Kahilingan sa Paggabay, Pakikibahagi at Pakikipagpalitan . Ang mga ugnay na maaaring ipinapaskil sa forum na ito ang maghatid sa inyo sa tamang pagkukuhanan ng materyal sa ibang websites . Panatilihin ang mga ugnay na di-balintiyak—di madaling ilipat. Mas makatutulong ang paggamit ng codes sa forum sa ganitong dahilan.

* Saan maaaring ipaskil ang aking mga ugnay?

Dito makikita ang mga Katibayan: http://www.sadikhov.com/links.php . Sadyang pili lamang ang mga ugnay na sa aming akala ay makatutulong sa mga bibisita. Ang mga ugnay ay walang bayad at di nangangailangan ng pagpaparehistro, makatuloy o makadagdag lamang. Siguruhin lamang na sinusunod ang mga nasabing gabay bago ipaskil ang mga ugnay sa pahina ng mga ugnay.

Maaaring magparehistro sa ating listahan ng mga “Piling Lugar” kung kayo naman ay maroong sariling website ng Katibayan.

back to top

 
Mga Ambag

Alin man sa mga sumusunod ay maaari ninyong gawin upang makapag-ambag sa Sadikhov.com website.

•  Maging aktibo sa inyong pakikilahok sa forum at tulungan ang bawat kasapi ng samahan o forum .
•  ipahayag ang inyong damdamin sa pamamagitan ng pagpindot sa rating banners Top100, Top200, atbpa.
•  Maki-ugnay sa Sadikhov.com mula sa inyong website .
•  Ipangalat sa inyong mga kaibigan na sa tingin ninyo ay magiging interesadong sumali sa ating samahan.

a hinaharap, ang kahilingan para sa inyong donasyon ay maaring hingin sakaling magkulang sa pangtustos para sa pamamahala at pangangalaga sa pangangailangan ng Sadikhov.com. Samantala, kung ninanais ninyong kumita sa pamamagitan ng Sadikhov.com, makipag-usap lamang sa tagapamahala at tingnan kung ano pang kailangang ayusin sa site , pagpapaganda ng laman, disenyo, atbpa.

back to top

 
Mga Tanong na Malimit Itinatanong (MTMI)

T. Ako po ay nagrehistro na sa forum , ngunit wala pa kong natatanggap na ako ay nagrehistro na sa aking email.
S. Maaaring hindi ito pinayagang makapasok ng iyong e-mail server. Upang maiwasan ito, maaari kang magbukas ng iyong account sa Sadikhov.com at magpatala gamit ang iyong bagong address .

T. Nais ko sanang palitan ang ginagamit kong pangalan sa forum.
A. Pagkatapos ng tuluy-tuloy na pakikibahagi, sa paglipas ng panahon, at kilala na sa gayong pangalan, baka makalito lamang ito sa iba. Baka makalikha rin ito ng pagkakaputol ng kaisipan. Kung kaya't ito ay pinahihintulutan lamang sa mga baguhan. Ang mga baguhan ay kinakailangang magpadala ng kanilang kahilingang palitan ang kanilang gamit na pangalan sa tagapamahala. Hangga't maaari isipin muna ng mabuti ang pagpili ng pangalang inyong gagamitin.

T. Ako po ay nakapagpatala na sa forum, ngunit di po ako makasagot sa kahit na anong paksa?
A. Ito ay maaaring dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Hindi mo napatunayan ang iyong account sa iyong email. Binibigyan ka ng tatlong araw upang patunayang tama ang mga impormasyong ibinigay sa account . Buksan ang email na iyong inilista sa iyong pagrehistro at sundin ang itinatagubilin upang maitala ang iyong account . Kung ito ay lampas na ng tatlong araw, mas makabubuting magpatala na lamang ng panibago.
2. Ang iyong address ay hinarang. Sa pamamagitan ng inyong browser , hanapin at pumunta sa http://www.sadikhov.com/banned.php at tingnan kung ang inyong IP address ay napabilang sa mga di-pinahihintulatan. Sa ganitong katayuan, nangangahulugang isa sa inyong samahan ay lumabag sa mga alituntunin ng Sadikhov.com at samakatuwid tuluyang hinarang ang inyong pagpapaskil. Sa kasamaang-palad, di na maaalis ang pagkaharang sa inyong IP address sa kadahilanan pang-seguridad sapagkat maaaring bumalik ang mga di-sumusunod sa forum . At hindi namin maaari ding gawin ang gayon na sana ay nauunawaan din ninyo. Subukin na lamang ang gumamit ng ibang ISP na may ibang IP address.

T. Maaari po ba ninyo akong ipatala sa forum?
S . Hindi. Kinakailangan mong gumawa ng sarili mong account .

T. Bakit sa statistiko, kaunti ang mga nakatalang kasapi kaysa sa bilang ng mga kasaping may ID sa forum ?
S. Ang mga di-aktibong kasapi ay agad na tinatanggal sa sistema.

T. Kung ang Tagapamahala ay Tagagamit bilang 2, sino naman ang ikalawa?
S. Default account sa forum na hindi ginagamit para sa kadahilanang pang seguridad.

T. Ano ang ibig sabihin ng “Sadikhov?
S. Apelyido ng maylikha.

back to top

 
Mga Daglat na Ginamit

Admin – Administrador, Tagapamahala
Mod – Tagapamagitan
HM – Ikinararangal na Kasapi
PM – Personal na Mensahe (sistema ng pag-uusap ng kasapi-sa-(mga)kasapi sa forum)
SK – Sadikhov.com website
SG – Gabay sa Pag-aaral
TK – Pagsubok (Testing?)
AT – Mismong Pagsubok
DL – Download (Pagkuha?)
FS – pangalang-gamit ng tagapamahala

back to top

 
| Sadikhov.com | Frequently Asked Questions | Privacy Policy | Legal Disclaimer | About Us

Wednesday, 14 May 2008 06:03 pm
© 2003-2008 Sadikhov.com
Microsoft Certification Training | 2000 MCSA MCSE Certification Training | 2003 MCSA MCSE Certification Training | MCSD Certification Training | MCDBA Certification Training | Cisco Training | CCNA Training | CCDA Training | CCNP Training | CCIE Training | Comptia Certification Training | Oracle Certification Training | Wireless Certification Training | Sun Certification Training